Labor, Management and the Challenge of Globalization

Address to the 11th Induction & Turnover Ceremonies of the

Rotary Club of Cavite Export Processing Zone

17 August 2002

 

Mainit na pagbati po sa inyong lahat. Maraming salamat sa inyong imbitasyon sa akin sa panunumpa ng bagong pamunuan ng Rotary Club of Cavite Export Processing Zone.

 

Never start your speech with an apology, wika ng mga communications experts. Pero ngayong gabi, magsisimula tayo sa paghingi ng paumanhin sa iba’t ibang okasyon na hindi natin nadaluhan, at mga imbitasyong di natin napagbigyan. Alam ko po na marami sa inyo diyan ang siguro ay nagtatampo na sa akin dahil na-indyan ko kayo.

 

Pero, hindi po kayo nag-iisa. Pati nga mismo ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay na-indyan natin ng ilang beses. Kamakailan lamang, hindi rin natin nasamahan si Tourism Secretary Richard Gordon sa kanyang pagbisita sa Gateway Business Park. Siguro naman ay naiintindihan nila tayo, bilang mga kapuwa civil servants. Siguro naman ay mauunawaan nila na napakahirap talaga iwanan ang mga mahihirap nating kababayan na nakapila maghapon para lamang tayo direktang makaugnayan. Lalo na po yaong may kagyat na pangangailangan dahil sa kagipitan.

 

Iyan po kasi ang ating sinumpaan noong tayo ay nangangampanya pa lamang – ang unahin ang pagbibigay atensyon sa pangangailangan ng ating mahihirap na kalalawigan. Ibang-iba po talaga yung direktang nakikipag-ugnayan sa ating mamamayan bilang gobernador. Noong ako ay nasa Kongreso, di hamak na mas magaan ang trabaho natin noon.

 

Sa Kongreso, you are far from the front lines. You are not a direct participant in the daily battles for your constituents. But as a Governor, you are expected to be on active duty every day. Di pwedeng absent. Bente-kwatro oras ang trabaho, bawal ang magkasakit, at jingle lang ang pahinga. You have to hands-on sa maraming bagay, lalo na sa pakikibaka laban sa kahirapan at gutom, sa karamdaman, sa kawalan ng trabaho, sa krimen, sa iligal na droga, at kung minsan ay laban sa mga kasama natin mismo sa gobyerno at serbisyo na umaabuso sa kanilang kapangyarihan at posisyon.

 

Kaya nga po, muli ay himihingi ako ng dispensa sa inyo kung sa ilan ninyong imbitasyon ay hindi nakararating ang inyong linkod.

 

Napuna ko po sa inyong imbitasyon ang letterhead ng inyong organisasyon, na may islogan na nagsasabing “sow the seeds of love.” Kung tagalugin natin, “ipunla ang binhi ng pagmamahal.” Nagagandahan sana ako sa inyong slogan, pero baka po kunin natin ito sa literal na kahulugan ay baka lalo pang dadami ang populasyon ng Cavite. Alam po ba ninyo na ang Cavite ay mas mabilis na pagtaas ng populasyon kaysa Maynila at sa iba pang lugar sa ating bansa?

 

Pero puwera biro, to a public servant like me, your slogan is not only a very beautiful phrase but a practical suggestion. In my nearly 40 years of public service, I have seen the difference between service based on duty, as against service based on love for your fellowmen. Kung tayo po ay nagseserbisyo dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit sa ating kapuwa – hindi dahil lamang sa ito ay ating katungkulan – hindi natin inaatrasan ang mga matitinding problema na inatrasan na ng iba. Halimbawa ay ang pagbibigay-serbisyo sa gitna ng kawalan ng pondo, o kaya’y kawalan ng tutulong at aalalay sa atin. This is what they call ‘going the extra mile.’

 

I am very proud to say to you that in my administration, there are people who go several extra miles just to serve their fellow Caviteños, even without funding and with very little support. Some of them can be found in your area – the Cavite Export Processing Zone – almost every day. Sila po ang mga kasapi ng Cavite Industrial Peace Advisory Group o CIPAG. Makikita rin po sila sa iba pang industrial zones, gaya ng Gateway Business Park, First Cavite Industrial Estate, at People’s Technology Complex.

 

Ang CIPAG po ay isa sa mga kauna-unahang grupo na itinayo natin noong tayo ay nahalal. Ito po ay bilang tugon sa inyong mga kahilingan sa ating mga ginawang konsultasyon bago pa man ang halalan. I think you would recall those consultations, as many of the members and officers of the Cavite Export Zone Investors Association and locators at CEPZ were present during those consultations.

 

As early as those times, we already realized that if we wanted a progressive and productive industrial society in Cavite, we must be able to maintain constant harmony and cooperation between labor and management. CIPAG was therefore established to promote industrial harmony and peace, and help prevent unnecessary conflict that can adversely affect production in our industrial zones, but within legal means and remedies, and conscious of the basic rights of all parties involved.

 

CIPAG fields monitoring teams to our various industrial zones to identify emerging labor issues, and to settle them immediately before they escalate into larger problems. Yung konting diperensya at di pagkakaunawaan ng labor and management ay sinisikap na kaagad na maremedyuhan ng ating mga mediation teams. Kahit po medyo magkukulitan ang magkabilang panig ay pinagtitiyagaan ng ating mga mediation teams, hanggang sa mapagkasundo sila.

 

Bukod po sa Monitoring at Mediation, ang CIPAG po ay naghahanap din ng mga alternatibo at supplemental livelihood sources para sa ating manggagawa. Sa pamamagitan nito ay naiiwasan natin na umasa sila sa mga pautangang 5/6 na nagbabaon sa kanila sa utang. Through alternative and supplemental livelihood sources, we are also able to discourage agitation for unnecessary wage increases, which we know will only cause the spiraling of prices and inflation that, in the end, will only further devalue the workers’ incomes.

 

In other words, the primary responsibility of CIPAG is to prevent future labor-management conflict by recognizing its early symptoms and helping both the labor and management groups to find an early solution.

 

Nitong mga nakaraang buwan, napasabak din ang CIPAG sa ilang mga problema na medyo pumutok na. Halimbawa dito ay ang mga problemang nagiging dahilan ng pagsasara ng ilang mga malaking kumpanya, gaya ng Hacklon, Loyal Garments at Philips, na dating gumagawa ng Nike at Reebok. Sa pagsasara ng mga ito, marami ang nawalan ng hanapbuhay. Ang masakit nito ay ang mga unyon mismo ang naging dahilan ng pagkawala ng trabaho ng kanilang mga kasapi.

 

Napapag-usapan po natin ang unyon. Alam ko na marami sa inyo ang nagtatanong kung ano nga ba ang pananaw ng aking administrasyon tungkol dito. Liwanagin ko lang po.

 

I want to stress that, as I have always maintained, we cannot be against the organization of unions. Union is a well-entrenched right of all workers enshrined in our Constitution, and recognized in all free and democratic countries and societies. Ngunit ang atin pong hinahanap ay yaong mga responsible at risonableng mga unyon. Mahirap po kung ang kausap natin ay mga unyon na ang batayan ng kanilang pananaw sa unyonismo ay ang tinatawag na “class struggle.” Naalaala tuloy natin ang isang negosyanteng Intsik na winelgahan ng kanyang mga militanteng manggagawa. Ang sabi niya sa mga lider ng unyon nang nakita niya ang mga plakard ng mga ito ay ganito:

 

“Susmalyosep naman! Hingi kayo taas suweldo, bigay ako. Hingi kayo lice alawans, bigay ako. Pelo, ang ‘bagsak ang impelyalismo,’ aba, di ko na kaya yan!”

 

In other words, we would rather prefer unions that undestand that at this point in time, all our local industries are under virtual state of siege as a result of trade liberalization and globalization. And being such, we need to work together to face up to the challenges or we perish all together.

 

Hindi na po uubra na gawa lang tayo nang gawa ng ating mga produkto nang walang pakialam sa kalidad na maaaring isabak sa pandaigdigang kompetisyon. We all know how stiff the competition is, and this should be realized by our workers as well. Kung hindi po ay dadagsain at babahain tayo ng mga mas murang produkto at tuluyan nang babagsak ang ating mga lokal na pagawaan.

 

These are the reasons why we are trying our best, through CIPAG, to change the basis and complexion of labor and management relationship here in Cavite. We cannot afford that the companies we have enticed to invest and locate here in our province will only be destroyed by trade unions espousing political and revolutionary agenda that is aimed at promoting antagonism and conflict rather than harmony and productivity.

 

I am happy to note, however, that there has been a notable reduction of radical union activities in Cavite lately. I hope this is an indication that our workers have realized that such activities will lead only to their own destruction.

 

Sa kabilang banda, nais ko rin pong bigyang diin na mayroon ding mga abusadong mga kumpanya at pabrika sa ating mga industrial zones na hindi sumusunod sa mga labor standards na naaayon sa batas. Kaya naman po nagkakaroon sila ng problema sa kanilang mga manggagawa. Ang ganitong mga kumpanya ang madalas na magneto sa mga organisador ng mga radikal na unyon.

 

Kaya po mahigpit ang aming kahilingan sa mga investor associations na bantayan din ang inyong mga miyembro upang respetuhin at ipatupad ang mga legal na pagtrato at pamantayan kaugnay sa inyong mga manggagawa. Sa dami po ng mga problemang kinahaharap ngayon ng ating mga lokal na industriya sa pagdaluhong ng globalisasyon ay hindi na tayo dapat gumawa pa ng karagdagang suliranin kaugnay sa ating mga manggagawa.

 

As I have said, we are sailing very rough waters. By the strike of New Year next year, on January 1, 2003, the inclusion of all our major industrial lines in the uniform tariff reductions from 0% to 5% under the Common Effective Preferential Tariffs of the ASEAN Free Trade Area (CEPT-AFTA) shall take effect. Among the industries that shall be affected are textile, petrochemicals, paper, automotive and rubber.

 

By year 2004, the unilateral tariff reduction program of the National Economic Development Authority (NEDA) with the rest of the world under the most-favored nation (MFN) agreements shall be implemented. This means the reduction of tariffs to also 0% to 5% on a wide range of products.

 

Also, between year 2004 to 2005, the quota system of importation to the US and Europe shall be lifted, and even the Garment and Textile Board shall be abolished. This shall be particularly devastating to Cavite, since 32% of our industrial workforce are in the garments industry. At the CEPZ alone, some 24,000 garment workers might lose their jobs.

 

The meaning of all this is that our market and economy will be open game to the more efficient and competitive producers, who may be way ahead of us in terms of technology and productivity. Isipin po natin kung ano ang mangyayari sa atin kung hindi tayo nakahanda sa mga bagay na ito.

 

It is in this light that being governor of a highly industrialized province, I call our economic leaders and policy makers to go easy on going towards unbridled trade liberalization, because even the most developed nations themselves, including the US, Japan, the European Union and many others, are still trying to protect their markets by imposing new tariffs and non-tariff barriers on imports from other nations. In the case of Australia for instance, Philippine bananas have not been allowed for the reason that our bananas may possible carry a “disease without symptom!” Baka daw may dala-dalang “sakit na walang simtoma” ang ating saging. Anong klasing katwiran ito?

 

Sa totoo lamang po, bagaman madalas nating sinasabi na kailangang maging “globally competitive” tayo, nababalisa ako sa asal ng ating mga kakompetensya. Si Pangulong Arroyo, na siyang pangunahing nagtaguyod sa pagsapi natin sa WTO, ang mismong nagsabi na habang sinesermonan tayo ng mga malalaking bansa na ibukas nang todo ang ating pamilihan sa kanila, iba naman ang kanilang ginagawa. Pinahihirapan pa ang maliliit at mahihirap na bansa na makapasok sa kanilang merkado.

 

Kaya sana ay dahan-dahan din tayo, at huwag magpagulang. Sana ay matuto tayo sa karanasan ng Argentina at maraming mga bansa sa Latin America na bumagsak dahil sa walang pakundangang pagsunod sa dikta ng globalisasyon. Sa katunayan, mismong sa ating mga karatig-bansa ay dehadong-dehado tayo. Sa India, na isang major garment producer, ang kanilang cost of production per day ay sixty pesos lamang, kumpara sa two hundred pesos dito sa atin. Sa China, Vietnam at Korea, lalong mababa ang kanilang cost of production kumpara sa atin. Ang mga ito ay fully mechanized, samantalang tayo mano-mano pa lamang.

 

These realities should make our economic leaders realize that jumping into the deep and turbulent waters of globalization without knowing how to swim and stay afloat will be fatal to us. But then again, we need to realize that globalization is inevitable, and we have no choice but to prepare for it.

 

Alam ko po na isa sa pinoproblema natin na mayroon ding malaking epekto sa ating mga industriya ay ang trapik. Lalo na ang mga madalas na paninikip ng trapiko sa panulukan ng Tanza, Rosario, Kawit at Gen. Trias. Kaugnay po nito, bumuo tayo ng inter-municipality committee, kasali ang Office of the Governor at PEZA upang malutas ang problema. Nakipag-ugnayan na po tayo sa mga transport organizations upang matanggal ang mga informal terminals na nakakaapekto sa daloy ng trapiko. Sinisimulan na po natin ang pag-aalis ng mga terminal na ito, at naglagay tayo ng mga traffic enforcers sa mga lugar na ito para siguraduhin na hindi ibabalik ang mga ito. In the meantime, we are working on more comprehensive and permanent solution to the traffic problem here in our province.

 

Marami pong mga hamon na kinahaharap ang ating lalawigan ngayon. Subalit malaki po ang tiwala ko sa mga Kabitenyo. Hindi po umaatras sa laban ang mga Kabitenyo. Huwag po nating kalimutan na ang pinakamalaking hamong hinarap at naipagwagi ng mga Kabitenyo ay ang mga pakikibaka para sa kalayan ng buong bansa.

 

The biggest challenge now before us is globalization. Despite the threats to our industries, particularly the garments industry, I still believe that Cavite has the resources to compete in many other fields. We have the highest concentration of companies that are direct producers of new technologies. In terms of intellectual capital and headcount of professionals, we rank way ahead of other provinces. In terms of access to facilities, Cavite is one of the country’s most modern provinces and is very near Metro Manila.

 

Despite the challenges, and nothwithstanding globalization, I believe Cavite has retained its original fighting spirit. That is why I feel very confident we will prevail and win.

 

In closing, I would like to leave you with this challenge: take advantage of the chance to apply the Rotarian ideals to a good cause. Be an active partner in this effort to find a place in a globalized economy.

 

Congratulations to the new officers. Humayo po kayo at ipunla ang semilya ng pag-ibig! Mabuhay kayong lahat! Maraming salamat po!